Miyerkules, Pebrero 12, 2014


“AYAN NA SI CRUSH!!”
By:Teacher Liz Querido
Manager: Teacher Mark Bryan Eñeja
Critic: Teacher Jenalyn Bicera

Pagmulat ko sa umaga
Ako’y napabangong bigla
Naku! Anong oras na!
Sa klase baka ‘di na makaabot pa

Lahat ginawa nang may pagmamadali
Pagligo, pagsepilyo at pati na pag-ihi
Ngunit sa pagpapaganda ay aking pinagbuti
Sa pagpasok ay may baong ngiti

Nang ako ay nasa amin nang paaralan
Ang mabilis na lakad ay naging marahan
Ako’y biglang namula sa aking napagmasdan
Si Crush! Ayan na naman!

Ika’y aking nililingon pakunwari
Pag napatingin naman saki’y biglang bawi
Nakakakilig!! Ako tuloy ay napatili!
At lahat ng nakakita sa aki’y napangiwi

Nang maramdamang ika’y papalapit
Naging mabilis ang aking pagmulat-pagpikit
Isa ba itong napakagandang panaginip?
Tuloy, napalunok ako nang paulit-ulit

Ang nakapusod na buhok ay aking inilugay na
Kasabay ng pagwagayway nito nang bonggang-bongga!
Mga tuhod ko’y nanginginig nang sobra
Ang ngiti sakanya’y abot hanggang tenga

Ako ay halos himatayin
Nang siya ay ngumiti din sa akin
Siya kaya saki’y meron ding pagtingin
At ako’y kanya ng napansin?

Nang siya ay kumaway sa akin
Ako’y napabuntong-hininga’t kumaway din
Nang siya ay kumindat sa akin
Kilig na nadarama’y kay hirap pigilin

At ayan na nga si crush! Napakalapit na!
Hinamig ko ang sarili’t bumati ng magandang umaga
Ako’y napayuko at napahagikhik pa
Sa pagtaas ng ulo, ako’y nabangga niya nang bahagya

Napawi ang aliwalas ng mukha nang ako’y lampasan
At ako’y pairap na lumingon sa aking likuran
Si Crush! Isang magandang babae ang nilapitan
Langya naman oh! Nakakahiya naman!
After doing my school related works I came up doing my own literary work...

hehe nainggit lang kila Rona Liza Manayan Querido at Mark Bryan Eñeja....

Lihim na Pagtingin
Jena Bicera

Nung una kang makita
Akala ko mundo’y magugunaw na
Ikaw na sobrang kinaiinisan
Ikaw din pala ang kasasadlakan

Ni minsan hindi ko naisip na ika’y mamahalin
Ngunit ito palang inis sa damdamin
Mauuwi sa masidhing pagtingin
Na sadyang kay hirap aminin

Iniisip ko sa tuwina
Kailan nga ba nagsimula
Ang puso na tumibok para sa’yo sinta?
Sadyang hindi kapani-paniwala

Asaran na nauuwi sa awayan
Awayan na nauuwi sa harutan
Harutan na nauuwi sa pikunan
Pikunan na nauwi sa pagtitinginan

O sinta kailan ko kaya maaamin
Itong aking lihim na pagtingin
Ng hindi mo ako aasarin
Sadyang kay hirap isipin

Mahirap ang mangarap
Ng tulad mong kay taas
Sana hindi na lang napasulyap
Nang puso ay hindi naghihirap

O mahal ko sana naman iyong mapansin
Na sa’yo ako’y may lihim na pagtingin
Hinihintay araw na iyong sambitin
Pagmamahal mo sa akin.

Linggo, Pebrero 9, 2014

MASAYA AKO
Wonder Jo 

Eating Cookie


Ilang paaralan aking napagturuan
Ibat- ibang kabataan aking tinuruan
Ngunit naghangad ako ng kasiyahan
Tunay na Kaibigan aking matagpuan

Nagturo ako ngayon sa isang paaralan
Nakita ko mga Tapat na Kaibigan
Sama-sama sa pikunan at tawanan
Bonding di makakalimutan

Mga Batang aking tinuruan
Minamahal kong lubusan
Turing ko'y tunay na anak
Huwag lang akong mkalimutan

Masasabi ko ngayon ako'y masaya
Sa samahang inyong pinakita
Sana'y huwag ng magbago pa
Sa sinimulang pagsasama

Masaya ako Paaralang ito
Naging panatag kalooban ko
Mga Kapwa guro ko
Kayo'y maaasahang totoo.

Biyernes, Pebrero 7, 2014

OBRA: MGA TULA'T PINTA ni Mark Bryan A. Eñeja


"Pwedeng basahin ngunit di pwedeng kopyahin"




"Libre ang tingin, ngunit di pwedeng ariin"





Note: I do not own the poem. Credit goes to the owner.

Teacher, Teacher

Grade 1 (Jimelle, Szhynne, Janna, Airitch, Princess, Neris and Danna)

Teacher, Teacher

 

Teacher, teacher, teacher, teach me now
Teacher, teacher, teacher, guide me now
Teacher, teacher, teacher, show the way
You are my light
You are my guide.

Teacher, teacher, teacher, comfort me
Give your listening ears when I cry
Help me find the strength in what I can
You are my help
You are my guide.

Teacher, teacher, teacher, build me up
When I do wrong, show me what is right
Teacher, teacher, teacher, let us laugh
You are my friend
You are my guide.